Linggo, Pebrero 12, 2017

Edukasyon o Pag-ibig ?

         Ang Edukasyon ang nag-iisang yaman ng isang tao na hindi mananakaw ng kahit sino.Ito ang nagsisilbing sandata sa anumang bagay o hamon na darating sa ating buhay.Sa pamamagitan ng pag-aaral maraming tao ang nagkaroon ng kaalaman,magandang pamumuhay at lalong lalo na magandang trabaho.Alam natin na maraming hakbang pa tayong tatahakin bago natin makamit ang gusto natin sa buhay,ito ay hindi basta-basta,kailangan itong paglaanan ng oras,at konsentrasyon.Edukasyon ang susi patungo sa tagumpay na ating minimithi.
      Ang pag ibig naman ay maraming kahulugan,madalas tumutukoy ito sa puppy Love na kung saan may dalawang taong nag-iibigan,ito rin ay isang sangkap para maging maganda ang kahihinatnan ng ating buhay

.Pag ibig ba o Edukasyon? Anu ang mas matimbang?
   
 Para sa akin ay Edukasyon,kailangan unahin kaysa sa pag ibig,dahil ang Pag-ibig ay hinihintay,ika ng nila "True Love Waits" . Maraming lalake at babaeng naghihintay ng tamang panahon na magbibigay ng sapat at wagas na pagmamahal.Pero sa Edukasyon,tanging mga magulang mo lang ang siyang magbibigay at tutulong sayo,subalit sa pag-ibig maraming taong dadaan sayo upang pasayahin,mahalin,at saktan ka ng paulit ulit.
      Ang pag ibig ay isang malaking destruksyon sa pag-aaral dahil madalas natin isipin ang taong minamahal natin na imbes ang mga takdang aralin ang unahin.Maraming magulang ang umaasa sa atin na naghahangad  ng magandang pamumuhay ika nga ni Dr.Jose P.Rizal "kabataan ang pag asa ng bayan ". Pag asa ? ngunit paano ? kung ang kabataan tanging pag ibig lang ang laman ng kanilang isipan. Karamihan sa mga kabataan umiiyak ng dahil sa pag ibig hindi na sa mababang kanilang markang nakuha.Hindi nila alam na ang pag-ibig sa umpisa lang maganda,ngunit kapag ito'y nag tagal iiwan,sasaktan,tapoz paiiyakin kapa.Hindi natin alam ang kasiguraduhan sa pakikipagrelasyon kung mag tatagal ba ng ilang taong pagmamahalan,ngunit sa edukasyon alam natin na ang ating paghihirap at pagpupursige
agandang kapalit na pwedeng magamit o maging sandata sa mga problemang dadating sa ating buhay. EDUKASYON bago RELASYON !

3 komento:

  1. Roulette | Casino site of the week
    We luckyclub.live offer over 300 live casino games, Roulette, Roulette tables, Blackjack, Roulette and many more in one place! The best place for bonuses and free spins!

    TumugonBurahin